Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Autistic

Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama ang Anak Kong AutisticErick Slumbook: Paglalakbay Kasama ang Anak Kong Autistic by Fanny A. Garcia

Format: Bookpaper, 304 pages
ISBN: 971271439X (ISBN13: 9712714403) | Published 2004 by Anvil Publishing, Inc.
Read from January 25 to February 10, 2014
owned, pinoy book
My rating: ★★★★

Ang librong ito ang isa sa mga librong nabili ko noong warehouse sale ng National Bookstore noong Nobyembre 2012. Mayroong din akong Introduction to Special Education class ngayong semestre, at ang report ko pa nga ay tungkol sa Autism Spectrum Disorder kaya binasa ko agad ang librong ito bilang additional reference material. Ang librong ito ang nagsisilbing biography ni Erick, isang batang autistic; at autobiography na rin ng kanyang ina na si Fanny A. Garcia.

Si Fanny A. Garcia ay isang manunulat na nagkamit ng mga gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay, teleplay, at kwentong pambata. Bago ang Erick Slumbook, nakapaglimbag na rin sya ng apat na libro. Sya din ang scriptwriter ng pelikulang “Saan Darating ang Umaga?” ng Viva Films noong 1983, na nanomina bilang Best Story at Best Screenplay. Bukod dito, nagkaroon na rin sya ng iba pang parangal. Isa rin syang guro, editor, mananaliksik, at tagapagsalin.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga tagumpay, hindi akalain ni Fanny na magkakaron sya ng matinding pagsubok sa buhay na siyang magpapatatag rin sya kanya at magsisibling inspirasyon nya. Nasa 30s na sya nang magkaanak–lima ang pinagbuntis nya ngunit ang apat ay nalaglag–at hindi nya akalain na ang kaisa-isa nyang anak ay magiging isang autistic. Si Erick ay isang nonverbal autistic, ibig sabihin ay hindi nya mapahayag ang sarili nya sa verbal na paraan.

Continue reading