Mingaw by Frida Mujer

MingawMingaw by Frida Mujer

Format: Mass Market Paperback
Read on January 7, 2014
borrowed
My rating: ★★★☆☆

Binili ito ng kaibigan ko sa nakaraang book drive ng book club ko dito sa Goodreads, ang Pinoy Reads Pinoy Books. Nakuha namin itong libro nung Readercon, at sakto, nandun din ang awtor ng libro na si Bebang Siy (para sa Mingaw, “Frida Mujer” ang ginamit nyang sagisag-panulat), na myembro din ng aming book club. Nung nakita nya kaming hawak ang libro, tinanong nya kung saan namin nakuha yon. Nanlalaki ang mata nya at pabiro nyang sinabi na bata pa daw kami para sa libro (kahit na magbebente na ko kinabukasan nang araw na ‘yon).

Nasa pabalat ng aklat na ang Mingaw ay isang R-18 na erotika. Nang Ginoogle ko ang kahulugan neto, ang “mingaw” ay isang salitang Bisaya para sa deserted (adj.) o lonely (adj.). Kwento ito ng mag-asawang si Gelli at Scott, na nakikipagbuno sa hirap ng buhay-OFW. Napilitan si Scott na mangibang bansa sa pag-asang magkaroon sila ng mas magandang buhay, ngunit ito pala ang simula ng kanilang pangungulila at iba pang problema sa kanila relasyon.

Continue reading

Advertisements