Orosa-Nakpil, Malate by Louie Mar Gangcuangco

Orosa-Nakpil, Malate (A Filipino Novel)Orosa-Nakpil, Malate by Louie Mar A. Gangcuangco

Format: Paperback, 226 pages
Published 2006 by Louie Mar’s Publications
Read in November, 2010
Rating: ★★★★

Because I read the Tagalog version, I shall make my review in the Filipino language.

Taong 2010 nang nabasa ko ito. Isa sa malapit na kamag-aral ko sa kolehiyo ang bumili ng libro, at ang kopya nya ay umikot na sa buong klase. Noong mga panahon yon, unti unti akong namulat sa mga bagay-bagay sa realidad, at maraming beses namin napag-uusapan ang iba’t ibang paksa: relihiyon, karapatang pagkakabaihan, kahirapan, akademikong aralin, at homosekswalidad–kasama ng iba pang paksa tungkol sa buhay.

Ito ang unang aklat na nabasa ko tungkol sa homosekwalidad, partikular na sa mga tinatawag sa ating lipunan na mga “bakla”. Marami akong mga kakilala na ganoon ang oryentasyon, at ang iba pa ay naging mga kaibigan ko. Samakatuwid, ang nagpahiram sa akin ng aklat na ito ay isa ring lalake na tipo ang kapwa lalake. Wala naman akong panghuhusga sa mga ganoon; at interesado din ako sa mga gantong tema.

Ang Orosa-Napkil, Malate ay isang nobela na tinatalakay ang mga kontemporaryong isyu: homosekwalidad, pakikipagtalik, buhay ng mag-aaral, STD, HIV/AIDS, at pag-ibig. Oo, tama–pag-ibig. Marahil marami sa atin ang nagtataas ng kilay tuwing naririnig ang mga kwento ng “pagmamahalan” ng mga tao na pareho ang kasarian; mapalalaki man sa lalake o babae sa babae. Ngunit totoo na umuusbong ang pag-ibig sa mga gantong tipo ng indibidwal, at ang Orosa-Napkil, Malate ang namulat sa akin sa realidad na ito.

Continue reading

Advertisements